Aminadong walang lakas ng loob para maging houseguest: BARBIE, sobrang proud kay DAVID sa pagpasok sa Bahay ni Kuya
- Published on May 12, 2025
- by @peoplesbalita

“I’m just really really proud of him,” sabi ng aktres.
“Ako, to be honest, parang wala akong ganoong level na lakas ng loob para pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya.”
Ikinuwento ng Kapuso Primetime Princess na talagang gusto ni David na pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya para makilala ang mga housemates.
Nabanggit din ni Barbie na swak ang pagpasok nito sa PBB dahil sigurado siyang makakatulong ang Pambansang Ginoo sa mga housemates.
“Si David kasi yung tipo ng tao na marami ka din talagang makukuha sa kanya in terms of outlook sa buhay,” paliwanag ni Barbie.
Samantala, lilipad patungong Korea si Barbie para sa taping ng kanyang upcoming series na ‘Beauty Empire’.
Malapit na itong mapanood sa Viu kasama sina Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez bago ito opisyal na umere sa GMA.
***
NASA Telangana, India na ang ating Philippine representative para sa ‘2025 Miss World’ na si Krishnah Gravidez.
Nakilala na raw ni Krishnah ang ibang delegates at pinost niya ito sa kanyang Instagram account.
Roommate ni Krishnah ay si Miss World Indonesia Monica Kezia Sembiring. Tinawag niya itong “a sweet lady!”
Sa sent off ni Krishnah, bitbit nito ang “pride and dreams” ng ating bansa. Bago siya lumipad for India, binisita niya ang Indian Ambassador to the Philippines na si His Excellency Harsh Kumar Jain, and his esteemed spouse, Smt. Vandana Jain.
Nagkaroon sila ng “enriching conversations about the vibrant history and rich culture of India.”
Ang advocacy ni Krishnah ay ang pagtulong sa daycare center sa Purok 15 in Irisan, Baguio City. Ito ay para sa Color the World with Kindness’ Beauty With A Purpose project.
***
MULING nagbabalik si Jessica Sanchez sa pagsali niya sa 20th season ng ‘America’s Got Talent.’
Unang nag-perform sa AGT stage ang 29-year old Fil-American singer ay noong 10 years old siya sa first season ng show.
“Being 10 years old on ‘AGT’ played such a massive role in me believing in something bigger for myself, for my voice. What a huge blessing it is to be able to come back and chase after my dreams again after 20 years. Can’t wait to see what God has in store for me,” post ni Jessica sa Instagram.
Sumikat si Jessica sa season 11 ng American Idol in 2012. Naging first runner-up siya sa winner na si Phillip Phillips. Lumabas siya sa TV shows na ‘Glee’ at nag-guest sa maraming A-list concerts.
Kinasal si Jessica to Rickie Gallardo in Texas noong 2021.
Nag-perform siya sa Miss Universe Philippines coronation night noong 2023.
(RUEL J. MENDOZA)