• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

All praises si Rhea sa kanila ni Jennylyn:  DENNIS, ‘di naging isyu ang pag-e-endorso ng beauty products

LAST year pa, halata na namin na after ni Jennylyn Mercado, ang mister niya na si Dennis Trillo naman ang papipirmahin ng Beautéderm CEO at President na si Ms. Rea Anicoche-Tan bilang isa sa mga celebrity ambassador.
Formal at official na ngang pumirma si Dennis bilang Belle Dolls ambassador, ang personal favorite namin na Belle Dolls Zero Filter na sunscreen.
Hindi isyu kay Dennis kahit babaeng-babae ang pangalan ng produkto at brand. Dahil ayon dito, since na-introduce siya sa Belle Dolls, mas naging concious siya, lalo na ang mag-apply ng sunscreen.
All praises si Ms. Rei kay Dennis na katulad ni Jennylyn, kahit mga big stars ay napakabait daw.
Halatang nagulat din si Dennis sa klase ng mediacon na ibinigay sa kanya ni Ms. Rei. Bukod sa bonggang Solaire North, nakita niya kung gaano ka-generous ang kanilang C.E.0.
Sa ngayon, kasalukuyang ginagawa nina Dennis at Jen ang kanilang bagong series, ang action-drama na “Sanggang-Dikit.”
Natanong din si Dennis sa pagkakaroon ng blended family. Para raw sa kanila, hindi na bago ito dahil dati pa naman, talagang nagkakasama na ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Jazz at si Dennis naman kay Carlene Aquilar na si Calix.
At masaya raw sila, at ang anak nila niya Jen na si Dylan ay solid ang pagkakaroon ng dalawang “kuya” figure.
Sa ginanap din na mediacon, winelcome si Dennis ng iba pang celebrity ambassadors, kabilang na si Jennylyn at ang anak nila na si Dylan.
***
HINDI pa man tapos ang VIVA One series na “Ang Mutya ng Section E”, may bago ng ginagawang series si Rabin Angeles kunsaan, siya na ang solong male lead.
Ito ang “Seducing Drake Palma” na mapapanood din sa VIVA One. Nakaka-five taping days na raw sila, pero si Rabin pa lang ang naging cast reveal.
Hindi pa niri-reveal kung sino ang leading lady niya, though, sorry to disappoint ang mga fan ng loveteam nila ni Ashtine Olviga, pero may kutob kaming iba ang kapareha niya sa series.
At in fairness, mukhang masaya naman si Rabin sa kanyang new leading lady.
Consistent si Rabin sa pagsasabing hinding-hindi siya magbabago. Though, sa buhay niya, malaki na raw ang nabago. May lumalapit na at nagpapa-picture. Nakakatulong na rin daw siya, lalo na sa nanay niya.
Bukod sa may sarili na rin siyang sasakyan.
(ROSE GARCIA)