• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-share ng heartfelt advice sa bagong Miss Universe PH: Payo ni CATRIONA kay AHTISA, enjoy the journey at dedmahin ang online pressure

NAG-SHARE naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng heartfelt advice para sa newly crowned Miss Universe Philippines na si Ahtisa Manalo of Quezon Province.
“My advice is to really enjoy the journey. I just hope this next couple of months, she doesn’t allow ‘yung pressure, ‘yung noise sa social media to really distract her.
“Sana she remembers why she’s there, what her core is, whether that be to go after a dream or to support her community or to make her family proud, just hold on to that.
“Kasi it will go so fast and talagang once in a lifetime experience ‘yan to be able to raise our flag on the Miss Universe stage. I hope she enjoys it, and I hope she that she feels free to reach out and I am happy to give here advice.
Catriona won the Miss Universe crown in Thailand in December 2018. Magaganap ulit sa Thailand ang 2025 Miss Universe in November.
***
KINUMPIRMA ni Ruru Madrid na muli siyang mapapanood sa inaabangang
‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’
Noong Encantadia 2016, napanood si Ruru bilang Ybrahim, ang ikaapat na rama o hari ng Sapiro. Naging love interest siya rito ng 2016 Sang’gres na sina Kylie Padilla bilang Amihan at Gabbi Garcia bilang Alena.
“Makikita n’yo po ako riyan sa Sang’gre. Nag-taping ako kasama ko ‘yung mga dating Sang’gre na sina si Kylie at Gabbi,” sabi ni Ruru.
Makakasama rin ni Ruru sa pagbabalik sa Sang’gre ang 2016 Encantadia actors na sina Sanya Lopez, Glaiza de Castro, at Rocco Nacino.
“I’m very grateful to be part of this project. Nakaka-excite, actually, na muling masilayan ang mundo ng Encantadia,” sey ni Ruru.
Bukod dito, excited din si Ruru na makita sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ ang girlfriend at bagong henerasyon ng Sang’gre na si Bianca Umali bilang Terra, ang bagong taga-pangalaga ng Brilyante ng Lupa.
“Hindi lang ‘yon, at masilayan ang napakagandang bagong Sang’gre na si Bianca. Sobrang proud ako kasi dalawang taon po niya itong pinaghirapan.”
***
KINABOG ng 81-year old legendary music icon na si Diana Ross ang mga celebrities sa 2025 Met Gala nang dumating ito suot ang silver gown with a massive 18-foot white feathery shawl kunsaan naka-embroider sa loonb ang mga pangalan ng kanyang mga anak at mga apo.
The whole ensemble was designed by Diana herself and Ugo Mozie.
Sampung tao ang nagbitbit ng shawl ni Diana at isa sa mga umalalay sa kanya ay ang anak na si Evan Ross.
Huling rumampa si Diana sa Met Gala ay 20 years ago pa kaya isang pasabog ang pag-attend niya this year.
Bukod kay Diana, hinirang din na best-dressed sa Met Gala sina Zendaya, Colman Domingo, Rihanna, Lisa of BLACKPINK, Zoe Saldaña, Lupita Nyong’o, Hunter Schafer, Jenna Ortega, Lewis Hamilton, Ayo  Edebiri, Jeremy Pope at Lana Del Ray.
This year, the theme was “Superfine: Tailoring Black Style,” which explores the role of sartorial style in forming Black identities.
(RUEL J. MENDOZA)