Balik-tambalan sila ni Diego sa ‘In Between’: SUE, very happy at walang pressure sa piling ni DOMINIC
- Published on May 7, 2025
- by @peoplesbalita
Wala raw pressure at enjoy lang sila kapag magkasama sila.
“Ang saya lang. Masaya lang kami lumalabas. We enjoy time together. We go on adventures. We eat the best food together. Mahalaga din foundation na you find interests and so far swak naman,” saad ni Sue.
Gumaganap bilang si Gaila sa pelikulang “In Between”, sa movie raw ay confused ang kanyang karakter pagdating sa pag-ibig.
Pero sa tunay na buhay?
“Hindi po ako confused. Sure na ako,” ang nakangiting sinabi pa ni Sue.
“Ako rin naman, sa edad na ito, parang ang dami pa rin natin gustong gawin and i-try.
“Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin natin ang sarili natin.
“At this point, we should not judge the choices people make. If that is what makes them happy, they should do it as long as wala silang natatapakang iba.”
“I don’t think I’m the type to do ‘in betweens.’ I think, lover girl talaga ako,” saad pa ni Sue.
Ang “In Between” ay sa direksyon ni Gino Santos kung saan ang lead actor ay si Diego Loyzaga sa papel bilang si Shane at palabas na ngayon sa mga sinehan, mula sa Viva Films.
Balik-tambalan ito nina Sue at Diego na unang nagkasama noong 2022 sa pelikulang “How to Love Mr. Heartless”.
***
HINDI kumuha ng artistang endorser sa kanyang kandidatura ang high profile lawyer na si Atty. Levito “Levi” Baligod na tumatakbong Congressman sa 5th district ng Leyte.
“Wala po akong resources, I will run based on my credentials,” say ni Atty. Baligod.
Wala rin siyang mga sikat na celebrities na kliyente.
“Wala akong celebrity cases aside from PDAF, may tinulungan akong halos isang libong magsasaka na nabentahan ng defective corn seeds halos tatlong buwan silang naghintay sa kanilang ani at pagbukas nila, bungi-bungi, walang laman.
“So, tinulungan ko sila maka-recover ng kanilang damages at foreign company yung nagbenta sa kanila, mga ganun po ang mga hawak ko at marami akong tinutulungan na may kasong wala silang kasalanan at iba pa.
“Mas gusto ko ‘yung mga kasong mahirap pero nakikita ko na mali ‘yung inaakusahan.”
Maraming magagandang plano si Atty. Baligod para sa bansang Pilipinas; unang binanggit niya ang kahirapan sa 5th district ng Leyte dahil marami raw mahirap na hindi makapagpagamot sa hospital dahil wala raw pambayad at pambili ng gamot.
Tinalakay din ni Atty. Levi na hindi maganda ang pamimigay ng ayuda.
“Ayuda is the worst form of government program dahil umaasa na lang.
“Sabi nga sa Bibliya, ‘teach a man to fish and you feed him for a lifetime.”
Kung mahahalal siyang Congressman ay mamahagi siya ng ayuda sa ibang paraan.
“Kung meron mang pondo sa ayuda puwedeng hilingin na i-convert sa ibang programa tulad ng food security, na magkaroon ng barangay food centers at yung barangay officials ang bibili mismo ng mga produkto ng magsasaka,” saad ni Atty. Levi.
(ROMMEL L. GONZALES)
