• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapasalamat sa naging suporta nina Mother Lily at Roselle: SHARON, naging emosyonal sa mga kumakalat na ‘fake news’ laban kay KIKO

NITONG Lunes, May 5, nag-organize nga ng get-together para sa entertainment media at vloggers ang Regal Entertainment producers na sina Roselle Monteverde at Keith Monteverde bilang pagsuporta sa kandidatura ng dating senador Kiko Pangilinan.
Kasama siyempre na dumating si Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan.
Naging emosyonal agad si Sharon, dahil labis-labis ang pasasalamat niya kina Roselle at Keith, lalong-lalo na sa yumaong Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.
Panimulang pahayag ni Mega, “dahil parang ang taba ko, hindi ako masyadong pinapansin na producers. Ang nagbigay sa akin ng project na ‘Mano Po’ (part 6) was Mother Lily.
“And then now, sa dami-dami ng nakasama ko, sa dami ng nakilala ko, isa lang nagsabi na, she was going to have a presscon with our showbiz friends for Kiko.  And that’s Mother Lily’s daughter, Roselle.
“So we are grateful for the Monterverdes and we will never forget them.  My heart is still full, ‘pag sinabi mong Monteverde, parang abot-langit ang pangka-touch ko, pagka-touch namin.”
Ayon pa kay Sharon, para na raw magkapatid ang turingan nila ni Roselle, at parang mother na rin nila si Mother Lily.
Dagdag kuwento pa ni Mega, “umpisa pa lang, tinutulungan na niya si Kiko.  Tapos binigyan din niya ako ng project.  Kahit hindi ko sila nakasama from the beginning, so it means so much more.”
Ayon naman kay Ms. Roselle, noong nabubuhay pa si Mother Lily ay talagang palagi itong nakasuporta sa kandidatura ni Kiko.  Na kung hindi kami nagkakamali ay 2001 pa ito nagsimula.
“My mom has been an advocate for giving good governance for our country. As children of Mother, we just wanna continue the legacy that she left us because she loves this country a lot.
“Love din niya ang showbiz industry. Love din niya kayong lahat. We’re here to support Kiko because we believe in him,” pahayag pa niya.
Muli ngang tumatakong senador si Kiko para sa midterm elections na magaganap na ngayong darating na Lunes, May 12.
Hindi nga napigilan ni Sharon na ilabas ang sakit na nararamdaman dahil sa ginagawang paninira at pambabastos sa kanyang mister, lalo na sa social media.
Sey pa ng Megastar, ang pinakamatinding kalaban nila ngayon ay ang pagkalat ng fake news at misinformation sa publiko.
“I never liked politics kasi nga, in the Philippines, pagkaganda-ganda man ng intensyon mo, pagkaayos-ayos man ng puso mo, natatalo ka ng fake news saka budget na bilyon-bilyon ng ibang kandidato na wala naman kami.
“Lahat ng meron kami, pinaghirapan naming dalawa,” tila paghihimutok ni Sharon na tuloy tuloy ang pag-agos ng luha.
Sambit pa ni Sharon na patungkol sa botante, “Bakit po ba ayaw n’yong iboto si Kiko? Ano po ‘yung mga doubts ninyo? Kasi lahat ng kasinungalingang nilalabas against him, may resibo kaming katapat.
“Mayroon kaming magpapasawalang-katotohanan du’n sa mga binibintang nila, sa mga paninira nila.
“Siguro, bilang asawa niya at nanay ng mga anak niya, ang pride kasi namin, dahil du’n sa matinong pagkatao namin. Wala namang perpekto, ‘di ba, lalo tayo sa showbiz, Diyos ko po!
“Pero maayos ang pinanggagalingan namin, maayos kaming pinalaki ng mga magulang namin.
“Napaka-bless ko dahil binigyan ako ng asawang hindi ako sasaktan at magiging mabuting ama. You know, Kiko doesn’t have a lot but everything he has, he gives to us.
“This is also his heart for the country, kasi ‘di naman kami yumaman, eh, sa politika. He served for over two decades. Wala kaming inasenso. Nagtatrabaho pa rin kami.
“At 59, I still work because my husband still works because we think of our children. Everything we have has come from honest hard work,” emosyonal pang pahayag niya.
Thankful naman sina Kiko at Sharon na mataas ang resulta ng survey niya at lagi siyang nasa top 12.
Nagpapasalamat din ang mag-asawa sa napakaraming celebrities na nagbigay ng suporta sa kandidatura ni Kiko.
Nandiyan sina Vice Ganda, Iza Calzado, Darren Espanto, Enchong Dee, Ogie and Regine Alcasid,  Anne Curtis, Janine Gutierrez, Maja Salvador, Jolina Magdangal, Parokya ni Edgar, Robi Domingo, Nadine Lustre, Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos at marami pang iba.
At ngayong hapon (4:30 pm) may magaganap na grand rally sa Plaza Independencia sa Cebu City, na kung makakasama Kiko at Sharon sina Gary Valenciano, Piolo Pascual, Kuh Ledesma, Darren Espanto, Pinky Amador, Rivermaya, Nikki Valdez, Aya Fernandez, Pooh, Aiyana Perlas at marami pang iba.
(ROHN ROMULO)