MAY BAGO NANG NAHALAL NA SANTO PAPA
- Published on May 10, 2025
- by @peoplesbalita
MAYROON ng bagong nahalal na Santo Papa ng milyong-milyong Katoliko sa buong mundo.
Ito ay sa katauhanni Cardinal Robert Francis Prevost .Panawagan naman ng Archdiocese of Manila, magsama-sama sa panalangin at suportahan si Cardinal Prevost na tatawaging si Pope Leo XIV.
Panalangin ng Archdiocese na magbigay inspirasyon at pagbabago sa lahat ang pamumuno ni Pope Leo XIV .
Si Pope Leo XIV bago naging Santo Papa ay naglingkod bilang prefect ng Dicastery for Bishops na responsable sa pagpili ng mga itatalagang pari sa mga diocese ng Simbahang Katolika sa buong mundo.
Ilang beses na rin siyang bumisita sa Pilipinas para sa mga aktibidad sa Simbahan noong 2000 sa Cebu, 2008 para sa pagbabasbas ng imahe ng Sto Niño at noong 2010 sa Maynila.
Wala namang ibang kahilingan ng mga mananampalataya sa bagong Santo Papa kundi ang maipagpatuloy niya ang adhikain ng yumaong Pope Francis at magkaroon ng mabuting kalusugan .(Gene Adsuara)