Leader ng 1.4 billion-strong Catholic church… PBBM, nagpaabot ng pagbati kay Pope Leo XlV, umaasang mailalapit nito ang simbahan sa mahihirap
- Published on May 10, 2025
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes kay Cardinal Robert Francis Prevost na pinili ang pangalang Pope Leo XIV matapos mapili bilang bagong Santo Papa, ika-267th Pope at kasunod ni Pope Francis.
Umaasa ang Pangulo na mas mailalapit ni Prevost ang Simbahang Katoliko sa mga mahihirap.
”On behalf of the Philippines, I congratulate Cardinal Robert Francis Prevost of the United States on his election as the successor of Pope Francis and leader of the 1.4 billion-strong Catholic Church,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
”As the new pontiff, who took the papal name Leo XIV, ascends the Chair of St. Peter and assumes the mantle of Bishop of Rome, I pray that he will continue to bring the Church closer to the poor and disadvantaged,” aniya pa rin.
Ipinagdarasal din aniya ng mga Filipino na manatiling malakas at may mabuting kalusugan ang bagong Santo Papa bilang siya ang mamumuno na may biyaya, karunungan at habag.
”May his life and ministry inspire us to persevere in our daily walk with our Lord Jesus Christ,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.
Nauna rito, dumating na ang pinakahihintay na oras ng bilyong Katoliko dahil namataan na ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican ngayong Biyernes ng madaling araw, Mayo 9 (oras sa Pilipinas), matapos ang dalawang araw na conclave.
Ibig sabihin ng puting usok ay mayroon nang bagong nahalal na Santo Papa, na siyang papalit sa yumaong si Pope Francis.
Pagkatapos malaman ng resulta, dito na mamamagitan ang dean of the College of Cardinal upang tanungin ang elected Cardinal kung tinatanggap niya ang resulta ng eleksyon.
At kung tinatanggap ng elected cardinal ang resulta, nakatakda siyang pumili ng “Papal name” at saka siya bibihisan ng papal vestment. Matapos nito, saka siya ihaharap sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica upang ipakilala sa buong mundo. (Daris Jose)
Subheadline
Mga guro, iba pang poll workers, makakakuha ng dagdag na P2,000 na election allowance
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2,000 across the board increase sa compensation o benepisyo ng mga guro at iba pang poll workers na magsisilbi sa nalalapit na May 12, 2025 National and Local Elections (NLE).
“As directed by our beloved President Bongbong Marcos, finally, our teachers and poll workers will receive a P2,000 across the board increase on their compensation for the 2025 midterm elections,” ang sinabi DBM Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman
“Alam po natin na sa pagbantay ng ating mga boto, haharap sa pagod, puyat at sakripisyo ang ating mga guro at poll workers. Kaya noon pong inutusan tayo ng Pangulo na itaas ang kanilang benepisyo, hindi po tayo nagdalawang-isip,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.
”This is a realization of the directive of President BBM, who is truly committed to ensuring we provide needed support for the welfare of our teachers,” aniya pa rin.
Dahil dito, ang bagong honoraria rates para sa mga nasa Electoral Board ay:
-P12,000 mula sa dating P10,000 para sa chairperson;
-P11,000 mula sa dating P9,000 para sa poll clerk;
-P11,000 mula sa dating P9,000 para sa 3rd member; at,
-P8,000 mula sa dating P6,000 para sa support staff.
Sa kabilang dako, umapela naman si Pangandaman sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyakin ang napapanahong pagpapalabas ng mas mataas na compensation para sa mga guro at poll workers ngayong May 12, 2025 National and Local Elections.
“I urge Comelec to ensure that our teachers and poll workers will get their compensation as quickly as possible. Dapat timely ang release ng kanilang benepisyo. They deserve nothing less,”ang panawagan ni Pangandaman.
Samantala, ang budgetary requirement para sa compensation ng mga poll workers at bilang pinahintulutan sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act ay P7.480 billion.
Sa pagtataya ng COMELEC, may kabuuang bilang na 758,549 ang poll workers ngayong national at local elections.
Base sa Election Service Reform Act at COMELEC Resolution No. 10194, ang mga taong magbibigay ng kanilang election service ay may karapatan sa honoraria, travel allowance, communication allowance, meal allowance, at service credit. ( Daris Jose)