• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CSC, nirepaso, wiansto ang ‘qualification standards’ para pahintulutan ang high school grads sa gov’t service

IN-UPDATE ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards para sa first-level government positions, pormal na pinapayagan ang mga high school graduate, kabilang na iyong nakakompleto ng Junior High School (Grade 10) at Senior High School (Grade 12) under the K to 12 program, na makapasok sa government service.
Ang pagbabago ay opisyal na ginawa sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2500229, ipinahayag noong March 6, 2025.
Sa isang kalatas, araw ng Huwebes, Mayo 8, ipinaliwanag ng CSC na ang resolusyon na nagwawasto sa educational requirements para sa entry-level government jobs ay magbibigay paliwanag sa structural reforms na ipakikilala ng K to 12 Basic Education Program, na ipinatupad sa buong bansa noong 2012.
Ang mga pangunahing pagbabago sa educational requirements ay ang mga posisyon na dating minamandato ng high school graduate ay maaari ng tumanggap ngayon ng high school graduate bago ang 2016 o ang mga nakakumpleto ng Grade 10 o Junior High School na nagtapos simula noong 2016.
Maging ang mga posisyong nangangailangan ng high school graduate o nakakumpleto ng relevant vocational o trade course ay kinikilala na ang high school graduates bago ang 2016, ang mga Grade 10 graduates simula noong 2016 o mga indibidwal na nakakumpleto ng relevant vocational o trade course.
At para sa mga posisyong nangangailangan ng mga graduate ng 2-years sa kolehiyo, tinatanggap na ang mga nakakumpleto na ng dalawang taon sa kolehiyo bago ang 2018 o Grade 12/Senior High School simula noong 2016.
Para sa mga posisyon na kailangang nakapagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo o high school graduate na may relevant vocational o trade course, kinikilala na sa revised standards ang mga aplikante na nagtapos ng dalawang taon sa kolehiyo bago ang 2018, high school graduates na may relevant vocational o trade courses bago ang 2018, Grade 12 graduates sa ilalim ng Technical-Vocational-Livelihood track o Grade 10 graduates na may relevant vocational o trade courses simula noong 2018.
Gayunman, hindi naman kasama sa revised educational standards ang mga posisyong nagmamandato ng partikular na higher education degrees o practice of professions na pinamamahalaan ng board regulations.
Binigyang diin din ng CSC na ang mga aplikante ay dapat na pasok sa iba pang kwalipikasyon sa bawat posisyon gaya ng mga pagsasanay, karanasan at eligibility para makonsidera para sa appointment.
Samantala, nananatili naman sa diskreksyon ng appointing officer o awtoridad sa ilalim ng umiiral na civil service law, rules, at regulasyon ang pagtatalaga sa government position.
(Daris Jose)