PBBM sa mga Pinoy abroad: Gamitin ang karapatan, mag-avail ng online voting
- Published on May 10, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Overseas Filipino na magpartisipa sa malalapit na midterm elections sa pamamagitan ng Online Voting and Counting System (OVCS) ng Commission on Elections (Comelec).
Sa pamamagitan ng bagong sistema ayon sa Pangulo ay mas magiging accessible ang botohan at masisiguro ang kanilang boto.
Sa isang video message, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga karapat-dapat na botante sa ibang bansa na sunggaban ang pagkakataon na makiisa sa democratic process, binigyang-diin na inaalis ng online voting ang traditional barriers, gaya ng pagbiyahe at mahabang pila.
“Tuluy-tuloy po ang overseas voting para sa Halalan 2025. Ito po ang inyong pagkakataong makilahok sa kinabukasan ng ating bayan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Ngayon, mas madali na ang pagboto. Kahit nasaan kayo sa mundo, hindi na kailangang pumila o bumiyahe. Sa pamamagitan ng online voting, maipapahayag ninyo ang inyong boses ng mabilis, ligtas, at maayos,”dagdag na wika nito.
Hinikayat din niya ang mga botante na pakaisipin at maging maingat sa pagpili ng lider.
“Gamitin natin ang karapatang ito. Piliin natin ang kandidatong may malasakit, kakayahan at may paninindigan. Sa tamang pagpili, sama-sama nating buuin ang isang Bagong Pilipinas,” ang sinabi ng Pangulo.
Nauna rito, aprubado na ng Comelec en banc ang extension ng OVCS enrollment period para sa internet voting ng mga overseas voters hanggang May 10.
Layon ng ekstensyon na i-accommodate ang kahilingan ng Filipino communities overseas at hikayatin ang mas mas malaking partisipasyon.
Ang Enrollment, nagsimula noong Marso 20, ay required para sa mga overseas Filipinos na bumoto gamit ang OVCS.
Ang rehistrasyon ay maaaring makompleto Registration can be completed online via https://ov.comelec.gov.ph/enrollhttps://ov.comelec.gov.ph/enroll. (Daris Jose)