PNP target zero violence sa 2025 midterm elections
- Published on May 10, 2025
- by @peoplesbalita
ZERO violence sa 2025 midterm elections.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na target nila limang araw bago ang halalan.
Ayon kay Marbil, hangad nila ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng halalan sa buong bansa.
Sa pagbubukas ng National Election Media Action Center (NEMAC), sinabi ni Marbil na layon nila na makamit ang “zero violence” sa buong panahon ng halalan.
Mahigpit ang direktiba ni Marbil sa lahat ng police commanders na bumaba sa mga komunidad at gamitin ang lahat ng kanilang resources upang hadlangan ang mga tao o grupo na magtatangkang maghasik ng kaguluhan sa eleksyon.
Nagbabala rin si Marbil na sasampahan ng kaso ang sinumang pulis na mapapatunayang nagpabaya sa kanilang tungkulin ngayong halalan.