• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Que ransom case isang ‘serious national security threat’

NAGBABALA  si Surigao  del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang laundering ng ransom money na ibinayad sa Anson Que kidnapping case sa pamamagitan ng junket operators, e-wallets at cryptocurrency platforms ay lumilitaw na isang  “deep and alarming national security threat.”
“This is no longer just about ransom—it’s about a vast shadow economy of crime that’s infiltrating and abusing our financial system,” ani  Barbers, chairman ng  House Committee on Dangerous Drugs at Quad Comm, na nagsagawa ng imbedtigasyon sa bugso ng  criminal operations na may kaugnayan umano sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na namayagpag sa panahon ni dating Duterte administration.
“What we’re dealing with is a deeply entrenched network of foreign syndicates using the Philippines as a safe haven for financial crimes,” dagdag ni Barbers.
Pinapurihan din ni Barbers ang PNP, sa ilalim ng pamunuan ni Gen. Rommel Francisco Marbil, sa naging breakthrough sa pagkadiskubre sa  money trail at pagbubunyag sa malawak na  laundering scheme.
“We thank the PNP for its relentless efforts in unmasking this operation. Their work is crucial in the Marcos administration’s fight against transnational syndicates,” dagdag nito.
Sinabi nito na ang kaso ay nagpapakita kung papaano nakakapag-adopt ang mga criminal syndicates sa paggamit ng digital tools at mahinang regulations para sa transnational operations.
Sinabi ng PNP na ang  ransom money ay idinaan sa pamamagitan ng dalawang  junket operators bago ito ipinamahagi sa10 e-wallets, na pawang pekeng pangalan.
Ang pondo ay ginawang cryptocurrency, kaya mas mahirap na itong bawiin at i trace.
Isa sa mga e-wallets na ginamit ay pag aari umano ng isang Chinese national na naaresto kamakailan dahil sa kasong espionage, ayon sa  Anti-Money Laundering Council.
“These are not isolated incidents. Junkets and POGOs have become channels for money laundering, kidnapping, and possibly even espionage,” dagdag ni Barbers.
Nagbabala si Barbers na ginagamit ng mga  organized crime groups ang  digital finance infrastructure, kabilang na ang hindi sapat na pagpapatupad ng  Know-Your-Customer o KYC regulations sa mga e-wallet at virtual asset providers. (Vina  de Guzman)