• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GRUPO NG TRICYCLE DRIVERS , BINUKING ANG PAMIMILI NG BOTO SA TAGUIG

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng umano’y pamimili ng boto na naganap sa isang pagtitipon sa  isang barangay sa nasabing lungsod. Sa salaysay ng mga driver na kabilang sa iba’t ibang  Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA), naganap ang insidente noong Mayo, 2, 2025 sa Barangay Comembo nang nilapitan sila ng dalawang babae na naka-puting damit at may suot na ID. Inimbitahan umano sila upang tumanggap ng tig-10 kilong bigas. Dinala sila sa isang garahe sa Kamagong Street, sa tapat ng covered court ng Comembo, kung saan ginanap ang isang programa na dinaluhan ng mahigit 70 tricycle driver mula sa iba’t ibang TODA at may mga tarpaulin na may pangalan ni  Lino Cayetano na tumatakbo sa pagka-kongresista. Ayon pa sa mga drivers, pinuri pa sila ng host bilang bayani ng lungsod at pinangangalagahan   ni Cayetano ang kanilang serbisyo at binigyan umano  ng  10-kilong sako ng bigas na nakaimpake sa itim na eco-bag na may tatak na “BIDA TAYO.” Base sa  COMELEC Resolution No. 11104, Section 26, ipinagbabawal ang  pamimigay ng anumang uri ng tulong na may pangalan, larawan, o simbolo ng isang kandidato, kaanak, tauhan, o tagasuporta sa panahon ng kampanya. Ayon sa batas, ang ganitong mga kilos ay itinuturing na uri ng pamimili ng boto. (Gene Adsuara)