• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Krimen sa Metro Manila bumaba ng 26.08 porsyento – NCRPO

PATULOY sa pagbaba ang mga focus crime sa Metro Manila na nagtala ng 26.08% sa unang apat na buwan ng 2025 ­kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Anthony Aberin batay sa datos ng Crime Incident Recording and Analysis System (CIRAS) noong Mayo 5, 2025, 1,627 insidente ang naitala mula Enero hanggang Abril ngayong taon, isang makabuluhang pagbaba mula sa 2,201 kaso sa parehong panahon noong 2024.
Anim sa walong kategorya ng krimen ang rape na 29.68% (mula 401 hanggang 282 insidente), Physical Injury na 29.11% (237 hanggang 168), homicide na 28.85% (52 hanggang 37), murder na 26.62% (139 na ngayon ay 102), Robbery na 18.73% (283 hanggang 230), at theft na 31.25% (944 hanggang 649).
Nanatiling mataas ang Crime Clearance Efficiency (CCE) sa 99.32%, habang ang Crime Solution Efficiency (CSE) ay bumuti mula 68.83% noong 2024 hanggang 70.99% noong 2025, isang positibong pagkakaiba na 2.16%, na sumasalamin sa pinabuting kakayahan ng NCRPO na lutasin ang mga kaso at bigyan ng hustisya ang mga biktima.