• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 8 top most wanted person ng Caloocan, swak sa selda

ARESTADO ang isang lalaki na akusado sa pangmomolestiya sa isang menor-de-edad matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguang lugar sa Caloocan City.
          Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa tinutuluyang lugar ng 38-anyos na akusado na nakatala bilang No. 8 Top Most Wanted Person sa lungsod.
          Dakong ala-1:45 ng madaling araw nang masukol tumutugis na mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan police ang akusado sa Abbey Road 2, Barangay 73.
          Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong April 10, 2025 ng Caloocan City Regional Trial Court, Branch 1 para sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code in relation to Section 5(b) of RA 7610 na may inirekomendang piyansa na P180,000.
          Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Caloocan police Investigation and Detective Management Section – Warrant and Subpoena Section (IDMS-WSS) habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)