• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dala ng pagtaas sa AI-powered scams, mga manggagawa dapat isailalim sa financial literacy programs 

NANAWAGAN si Representative Brian Raymund Yamsuan sa Department of Labor and Employment (DOLE) na protekatahan ang mga manggagawa mula sa nakakaalarmang pagtaas sa bilang ng mga nabibiktima ng online investment scams at iba pang uri ng digital fraud sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila kung papaano mag-invest ng kanilang pinaghirapang pera at matukoy ang mga bogus na financial schemes.
Ngayong gamit na gamit ng mga scammers ang artificial intelligence (AI)-generated tools para makapangloko, sinabi ni Yamsuan na maraming Pilipino ang mga nabibiktima sa ganitong uri ng investment fraud.
Sa ginawang independent estimates, makikita na ang average loss ay nasa P45,000 mula sa ganitong scams.
“The DOLE can team up with the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) and the Department of Trade and Industry (DTI) to spearhead a campaign that would make user-friendly financial literacy materials readily accessible to the public through various communication platforms,” ani Yamsuan.
 Kabilang sa AI-powered scams na patuloy na namamayagpag sa social media ay fake investment opportunities na ini-endorso umano ng malalaking kumpanya gamit ang deepfake technology upang lumitaw na isinusulong ang pekeng investment schemes na nangangalap ng minimum funding na may mataas na returns o
balik ng pera.
 “Kung ang mga scammer ay kayang magpakalat sa social media ng mga posts at videos tungkol sa mga pekeng investments na too good to be true dahil ang pang-akit nila ay mabilis lalaki ang pera mo, dapat ay mas kaya ng mga ahensya ng gobyerno na magsanib puwersa para ma-kontra ang mga ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga financial literacy materials online,” dagdag ni Yamsuan.
Ipinanukala pa ni Yamsuan sa DOLE na mabigay ng insentibo sa mga empleyado na magsasagawa ng financial literacy seminars sa mga workers. (Vina de Guzman)