• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, opisyal na idineklarang Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang May 12, araw ng halalan 

OPISYAL nang idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na Special (Non-Working) Holiday sa buong bansa ang May 12, araw ng halalan.
Nakasaad sa Procamation No. 878, na layon nito na bigyang-daan ang mga tao na gamitin ng maayos ang kanilang karapatan na bumoto.
Si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang nagbigay ng kopya ng proklamasyon na pirmado ng Executive Secretary Lucas P. Bersamin, na may pahintulot na rin ni Pangulong Marcos.
Nauna rito, hiniling na ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklara bilang holiday ang araw ng halalan sa May 12.
Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ito ay upang magkaroon ng pagkakataon ang publiko na makaboto sa midterm elections.
Marami kasi aniyang may pasok sa mismong araw ng eleksiyon kaya makakatulong kung idedeklara itong holiday.
Ayon kay Garcia, kailangang maglabas ng opisyal na proklamasyon ng Malacañang na nagdedeklarang holiday sa May 12. ( Daris Jose)