• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Handa na para sa 2025 Midterm election sa Mayo 12… DEPLOYMENT NG PRINTED BALLOTS, SA NCR, SINIMULAN NA

SINIMULAN  na ng Commission on Elections (Comelec) ang deployment ng unang batch ng 7.5 milyon official printed ballots na gagamitin sa National Captal Region (NCR) para sa 2025 elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia na idedeliber ang balota ,Martes sa Office of the Traesurer ng Caloocan, Marikina, Valenzuela, Pasig, Quezon City, Muntinlupa, Taguig,Manila, Makati, Malabon, Navotas at San Juan.
Kokolektahin ang mga balota ng mga miyembro ng election regsitration board (ERB).
Iniimbitahan naman ng Comelec ang mga political party, kandidato, interesadong grupo, citizens arm, na magpadala ng kinatawan sa opsina ng local tresurer para makita kung saan ito ilalagak.
Samantala, nakumpleto na ng Comelec ang pag-imprenta ng official ballots para sa May 12 national at local election. Ang distribusyon ng official ballots at iba pang election paraphernalias ay sinimulan noong Abril 21, 2025.
Ayon kay Garcia, walang untoward incidente sa pamamahagi ng balota, automated counting machines (ACMs) at iba pang election paraphernalia.
Sinabi rin ni Garcia na ‘on track’ lahat ang Comelec sa paghahanda para eleksyon sa Lunes. (Gene Adsuara)