May mga pelikulang tinanggap na 1,000 a day lang: EPY, full support kahit sa mga baguhan at indie filmmakers
- Published on May 5, 2025
- by @peoplesbalita
FULL support si Epy Quizon kahit sa mga baguhan at indie filmmakers na tulad ni direk Gayle Oblea.
Bakit ganoon na lamang ang pagtulong niya sa mga ito?
“Siguro ang pinakamagandang tanungin niyo diyan yung mga nakatrabaho kong producers at directors.
“I mean, especially yung mga unang Cinemalaya? Alam ng mga producers at directors yan, tandaan niyo ang Cinemalaya magkano lang ang grant?
“So para umarte ka sa Cinemalaya, magkano lang ang ibabayad sa iyo, kung ano lang yung kaya ng mga filmmakers nun.
“Meron akong mga pelikulang tumanggap ako 1,000 a day, ang shooting namin sa Tarlac, e toll pa lang ubos na yun e, di ba?
“I mean, filmmaking of course it’s my bread and butter, kaya mahirap din sabihin na gumagawa ako ng pelikulang hindi ako tumatanggap ng pera, pero may mga pelikula kang ginagawa mo for the love, for the art, for the…dahil alam mong hindi rin kaya ng filmmaker, tulong mo yun sa filmmaker.
“Actually, yung ginagawa ko tulong yun sa mga filmmakers na mga aspiring, especially like yung mga pelikulang short film.
“Ang short film naman kasi how does the producer get their money back? They don’t know, it’s hard to get… saan mo ibebenta ang short film?
“Hindi siya full-feature film na puwede mong ipalabas sa sinehan, hindi din naman siya bibilhin ng Netflix, short film e, short format, so wala siyang money-back.
“So as a filmmaker myself, at tama yung ginagawa, ano tawag dun?
“Advocacy ang tawag dun, this is an advocacy film and mahirap maningil sa advocacy film, mahirap presyuhan yung ginagawa mo for advocacy, mahirap lagyan ng presyo yung, ‘Ah bayaran mo ako ng sampung libo or bente mil!’
“Ang hirap presyuhan.
“Tapos kinabukasan sasabihin mo, ‘Panoorin niyo kasi advocacy namin ‘to’, di ba?
“So there are films na ginagawa mo dahil sa tulong, dahil alam mong wala namang… ngayon kung may budget naman yung pelikula, magbayad naman kayo ng tama, para rin matulungan din kaming mga filmmakers.”
Isa sa si Epy sa mga cast members ng short film na “As The Moth Flies” ni direk Gayle.
Official entry ito sa 1st Famas Short Film Festival na may screening simula May 3 hanggang 9, sa Victoria Sports Cinema sa Quezon City.
Produced ng Creative Kartel, Happy Manila, Desi Matters, at Rav Singh, nasa “As the Moth Flies” rin ang indie actors na sina Mina Cruz at Boo Gabunada.
Ang 1st FAMAS Short Film Festival ay inorganisa ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences at pinamahalaaan ng festival director na si Gabby Ramos at FAMAS president Francia Conrado.
Ang awards night ay sa May 10 sa Music Museum presented by REMS Entertainment.
(ROMMEL L. GONZALES)