• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P3.5M shabu, nasamsam ng NPD sa buy bust sa Caloocan

Nasabat ng NPD-DDEU sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera ang 520 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.5M sa buy-bust operation sa Caloocan. Nahuli ang suspek sa Brgy. 188 dakong alas-2:54 ng madaling araw. Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165. Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan ang matagumpay na operasyon.