• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Idadaan na lang nila sa biruan ang tungkol dito: JOMARI, aminadong nagulat sa viral video ni MARK ANTHONY

MATALIK na magkaibigan sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez mula pa noong mga teens pa lamang sila; kilala sila bilang ‘Guwapings” kasama si Eric Fructuoso.
Natanong si Jomari kung kailan niya huling nakausap si Mark Anthony.
“Nung event namin nung 2023, nagkausap kami ni Mark.
“I think I saw Mark last… parang ASAP na event, or one of Mr. M’s [Johnny Manahan] birthdays.
“Okay naman kami. Ganyan naman kami lagi. “Bihirang magkita pero ang napapag-usapan pa rin, panahon namin.
“Puro kalokohan pa rin. Puro kalokohan pa rin nung panahon namin.”
Napag-usapan ba nila ang nag-viral na video ni Mark Anthony?
July 2024 ay kumalat ang malaswang video ni Mark Anthony.
“Baka i-quote ako! Siyempre, anlaki ng reaction ko.
“Sabi ko, ‘Anong nangyari diyan? Hindi ka naman ganyan kalaki nun!’ Joke! Maku-quote ako, di ba?
“Nagulat ako. ‘Anong nangyari?!!!’ Ganyan naman kami, alaga ni Douglas would always joke like that.
“Ganyan kami, make fun of each other. But dikit-dikit na yung mga pusod namin.
“Bihira lang kami magkita pero ganyan naman kami palagi.”
Dating mga alaga ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano sina Jomari, Mark at Eric.
Samantala, ngayong Linggo, May 4 ay simula na ng big event ni Jomari, ang Motorsport Carnivale 2025 sa Okada Manila sa Parañaque City.
Ang naturang racing event na ito ay collab ng Okada Manila at Yllana Racing ni Jomari.
Ang schedule sa Boardwalk and Gardens mula 6:00 am hanggang 6:00 pm ay ang Super Sprint. 7:00 pm naman ang Grand Car Meet: Legends of the ‘90s.
Sa May 31 naman magaganap ang ang Jom’s Cup, ang 1/8-mile drag racing challenge na competition ng mga kategoryang Super Car, Muscle Car, at Vintage Car.
(ROMMEL L. GONZALES)