MAPAPASIGAW ka talaga at magugulat habang pinapanood ang psychological suspense-horror na “Untold” na pinagbibidahan ni Asia’s Best Actress Jodi Sta. Maria.
Ito ang latest horror flick ng Regal Entertainment na mula sa direksyon ni Derick Cabrido (direktor ng ‘Clarita’ na pinagbidahan din ni Jodi at ‘Mallari’ ni Piolo Pascual) na napapanood na worldwide in more than 210 cinemas. Napapanood na rin ito sa America, Canada at Guam.
Napanood na namin ang “Untold” sa ginanap na all-star red carpet premiere night last April 29 sa Cinema 3 ng SM Megamall, at ilang ulit kaming nagulat sa mga eksenang hindi namin ini-expect na mangyayari.
May kakaibang instilo talaga si Direk Derick sa paggawa ng horror film, kaya kaabang-abang pelikulang ihahatid niya sa mga manonood.
Sa trailer pa lang ng “Untold” ay marami na talaga nag-iisip sa kuwento ng movie ni Jodi na kung saan gumaganap na isang journalist na ang goal ay magkaroon ng scoop stories, para pag-usapan at makilala.
Kung anu-ano nga ang nangyari sa karakter ni Jodi dumaan sa matinding sumpa dahil sa kanyang maling ginawa para lang sa kanyang trabaho.
At sa tindi ng dapat niyang ipakita emosyon, lumitaw talaga ang husay sa pag-arte ni Jodi, papalakpakan mo talaga at pinatunayan niya niya isa talaga siyang mahusay na aktres na kahit anong role ay puwede niyang gampanan.
Samantala, ayon kina Direk Derick at Jodi, hindi lang basta pananakot at panggugulat ang aim ng “Untold” dahil nagbibigay din sila ng awareness sa patuloy na paglaganap ng fake news sa bansa.
Nagustuhan din namin ang role ni Juan Karlos bilang cameraman ng karakter ni Jodi. Ganun din ang pag-atake ni Lianne Valentin sa kanyang character, na una namin siyang hinangaan sa GMA series na ‘Royal Blood’.
Nasa movie rin sina Gloria Diaz, Mylene Dizon, Kaori Oinuma, Sarah Edwards at Joem Bascon.
Mula sa panulat ito nina Enrico C. Santos at Noreen Capili kasama ang Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde, and this is produced by Atty. Keith Monteverde.
Samantala, ang nakuhang rating ng “Untold” mula sa MTRCB ay R-13 without cuts dahil sa mga eksenang nakagugulantang ng mga manonood, kaya hindi talaga ito puwedeng panoorin ng mga bata.
Showing na ang “Untold” worldwide, isama ang buong barkada para mas masaya ang sigawan. At ito pa, may special student price na P250 (SM and Ayala Cinemas), kaya sugar na sa mga sinehan.