Single dad at co-parenting sa dating karelasyon: MARK, anim na taong nawala sa showbiz dahil sa anak na si MARTIN
- Published on April 30, 2025
- by @peoplesbalita
HALOS anim na taong namahinga sa showbiz ang male star na si Mark Neumann.
Ano mga naging ganap sa buhay niya sa nakalipas na anim na taon?
Lahad niya, “Just different ano, a lot of work, some insurance, then some business as well as a food consultant.”
Bakit siya nagdesisyon na mag-lie low sa pag-aartista?
“I just wanted to raise my son in peace and you know, to try something else as well.”
May anim na taong gulang na anak na si Mark na si Martin na ang ina ay babaeng Cebuana na hindi taga-showbiz.
“I’m a single dad, I’m co-parenting,” rebelasyon pa ni Mark.
Ang anim na taong pansamantala siyang “nawala” sa showbiz ang edad rin ng anak niya.
“Yeah, because I wanted to raise him in peace as well, one of the reasons.”
Ano naituro kay Mark ng pagiging ama?
“Fatherhood? Patience. A lot of patience and care, sacrifice, and of course, most important of all, love.”
In-open na ba niya si Martin sa publiko?
“I don’t know, probably hindi lang nakita siguro but I brought my son to my tapings.”
Pero sa social media?
“I have videos of him. It’s just not that often because, again, I do really appreciate my private life other than work life.
“So yeah, he’s seen there. No problem.”
Hindi niya kailanman itinago si Martin?
“Why would I? That’s my son.”
Walang karelasyon si Mark sa ngayon.
Nakilala si Mark nang sumali sa Artista Academy ng TV5 na isang artista search show kung saan napasama si mark sa Top 6 finalists.
Huli siyang napanood sa ‘Mga Batang Poz’ series noong 2019 sa iWantTFC.
Ang “Beyond The Call Of Duty” ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa.
Ang mga bumubuo ng cast ng pelikula, bukod kay Mark ay ay sina Sparkle actor Martin del Rosario, Jeffrey Santos, Teejay Marquez, Mart Escudero, Paulo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, at Christian Singson.
Ang direktor nito ay si Jose “JR” Olinares na supervising producer rin ng pelikula.
Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy Ray Oyanib ang co-director at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer.
Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP) at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc.
Ang PinoyFlix Films and Entertainment Production ang magre-release ng “Beyond The Call of Duty” sa May 28.
(ROMMEL L. GONZALES)