• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:22 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipagdiriwang ang 42 taon sa industriya:  Legacy ni ZSA ZSA, muli na namang kikinang sa ‘di malilimutang concert

THROUGH the years, maraming mga salita ang ginamit para tukuyin si Zsa Zsa Padilla – iconic, brilliant,  fabulous – ngunit para sa mga nakakakilala sa kanya ng lubusan, siya ay isang inspirasyon at isang absolute survivor.
Through ups and downs, standout talaga si Zsa Zsa sa pagiging isang artist na patuloy na namamayagpag sa recording, film, television, at live concert stage.
Kaya naman marami ang excited dahil babalik ulIt si Zsa Zsa sa live stage – dazzling as ever – at gagawa siya ng gabing ‘di malilimutan sa kanyang upcoming concert na pinamagatang ‘Zsa Zsa: Through The Years’ sa darating na May 17 sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati.
Pangako nito ang isang gabi ng “music, memories and heartfelt moments,” at ayon kay Zsa Zsa ang event na ito ay “not just a concert, but a celebration of an incredible journey, a tribute to all the wonderful mothers [as the event happens around the time of Mother’s Day] and a pre-birthday treat for all of us to enjoy.”
Bilang isang multi-hyphenate, music ang first love ni Zsa Zsa at mapapakinggan sa concert ang kanyang mga hits.
Naging miyembro si Zsa Zsa ng legendary Pinoy group na Hotdog na itinuturing na isa sa mga haligi ng OPM.
Nung nag-solo si Zsa Zsa, sunod-sunod ang hits niya gaya ng “Kahit Na,” “Point Of No Return,” “Hiram,” “Ikaw Lamang,” “Mula Sa Puso,” at “Mambobola.” Chart-topping din ang covers niya gaya ng “We’re All Alone,” “Bridge Over Troubled Water,” at “Through The Years.”
Sa kanyang sipag at dedikasyon, isa si Zsa Zsa sa mga best-selling female recording artists of all time at kitang kita ito sa kanyang mga multi-platinum full-length studio albums.
Bilang isang aktres, ilang beses pinatunayan ni Zsa Zsa ang kanyang range sa mga nakalipas na dekada, sa kanyang mga papel sa mga genres ng fantasy, comedy at drama sa kanyang filmography na kinabibilangan ng Ako Legal Wife: Mano Po 4, Batang PX, Minsan Lang Kita IIbigin at Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh.
Sa telebisyon naman, binigyang buhay niya ang ilan sa mga complex characters sa primetime television sa mga top-rating series gaya ng Budoy, Juan Dela Cruz, at Wildflower habang isa naman siya sa mga OPM icons na mapapanood linggo-linggo sa long-running Sunday musical variety show ng ABS-CBN na ASAP Natin ‘To.
At dahil sa kanyang hard-earned accomplishments, naging pamantayan din siya ng kagandahan at tagumpay para sa maraming fans.
At para mas pabonggahin ang concert, inimbita ni Zsa Zsa ang ilan sa pinaka-mahuhusay na artists bilang kanyang special guests. Mapapanood sa show – na directed ni Rowell Santiago kasama si Homer Flores bilang Musical Director – sina Zia Quizon, Karylle, Erik Santos, and Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Samahan si Zsa Zsa sa biggest musical event of the season at maging bahagi sa bagyong yugto ng kanyang karera.
“Let’s relive the songs, stories and unforgettable moments,” sabi ni Zsa Zsa. “I can’t wait to share this evening with you!”
Tickets to Zsa Zsa: Through The Years are available online via TicketWorld.
Follow, support, and get updates via Zsa Zsa Padilla’s Facebook and Instagram.
(ROHN ROMULO)