Hospital bills ni Superstar Nora Aunor, sinagot ni PBBM
- Published on April 29, 2025
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng PCO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang sumagot sa hospital bills at ibang utang ni National Artist Nora Aunor. Binayaran ito sa ilalim ng hospitalization benefits para sa national artists, at mula sa personal na pera ng mag-asawa. Pumanaw si Nora Aunor noong Abril 16, 2025 sa edad na 71.