• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:35 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkuwestiyon ni VP Sara sa timing ng P20 kada kilo ng bigas, pinalagan ng Malakanyang

PINALAGAN ng Malakanyang ang pagkuwestiyon ni VP Sara Duterte sa timing ng pilot implementation ng P20 kada kilo ng bigas. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang pamumulitika sa pagbibigay ng ayuda at sinabing pinag-aralan nang mabuti ang implementasyon ng proyekto. Inihayag din na suportado ito ng mga gobernador sa Visayas at inaasahang masusustena hanggang Disyembre.