PBBM, labis na ikinalungkot ang ‘deadly incident’ sa Filipino festival sa Vancouver
- Published on April 29, 2025
- by @peoplesbalita
NAKISIMPATIYA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pamilya ng mga nasawi at nasaktan matapos araruhin ng isang SUV ang mga tao sa isang Filipino festival sa Vancouver, Canada. Aabot sa 11 katao ang namatay at higit 20 ang nasaktan. Ayon sa ulat ng Vancouver Police, walang indikasyon ng banta bago ang insidente. Ang drayber ay isang 30-anyos na lalaki na may kasaysayan ng mental health issues. Siniguro ng Philippine Consulate General sa Vancouver ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon.