Miyembro ng barangay task force sa Caloocan, tiklo sa baril
- Published on April 28, 2025
- by @peoplesbalita
KULUNGAN ang bagsak ng isang miyembro ng Barangay Task Force matapos mahulihan ng baril sa Caloocan City. Ayon sa ulat, habang nagpapatrolya ang Caloocan Police sa Brgy. 176-E Bagong Silang, isang residente ang nagbigay ng impormasyon na may baril ang suspek. Kaagad siyang sinita ng mga pulis at nakitaan ng kalibre .45 pistola na may anim na bala. Walang naipakitang dokumento ang suspek kaugnay sa armas kaya agad siyang inaresto. Sinampahan siya ng kasong paglabag sa R.A. 10591 at Omnibus Election Code.