Pag-unfollow na rin ni KOBE, patunay na break na sila ni KYLINE
- Published on April 25, 2025
- by @peoplesbalita
ANG pag-a-unfollow na rin ni Kobe Paras ang siguro naman, patunay o pwedeng sabihin na official na ngang break sina Kobe at Kyline Alcantara.Nauna nang nag-unfollow si Kyline and parang 2 days after, si Kobe naman ang nag-unfollow sa Instagram ni Kyline.Sa kabila nito, hindi pa rin sila nagsasalita o nagbibigay ng anumang pahayag at kumpirmasyon. Pero may kulang pa ba sa pag-unfollowhan nila?Sa iba, sinasabing hindi naman na raw unpredictable na mauwi rin sa hiwalayan ang napaka-passionate pa nilang simula. Halos six months lang ang itinagal ng relasyon nilang dalawa.Kung makikita ang Instagram ni Kobe, parang enjoy naman ito ngayon sa mga pinaggagawa. Habang si Kyline naman, magiging busy sa bagong GMA series, ang “Beauty Empire” kasama sina Barbie Forteza at Ruffa Gutierrez.Naku, unsolicited advice namin kay Kyline, try niya muna kayang maging single at i-enjoy rin ang phase na ito.(ROSE GARCIA)