Sa pagpanaw ng Superstar at Natinal Artist… NORA, inalala ang mga achievements bilang aktres at singer
- Published on April 25, 2025
- by @peoplesbalita
SA pagpanaw ng nag-iisang Superstar ng Pelikulang Pilipino na si Ms. Nora Aunor, inalala ng marami ang mga naging achievements nito bilang aktres at singer.Si Ate Guy lamang ang natatanging aktres na nakatanggap ng parangal para sa pelikula, telebisyon at entablado. Dahilan ito kung bakit deserve niya ang matawag na isang National Artist.Si Ate Guy din ang nakatanggap ng pinakamaraming international recognition mula sa iba’t ibang film festival abroad kaya nararapat lang na matawag siya na isang National Treasure. Ayon sa IMDB, nakatanggap ng 75 awards for best actress si Ate Guy. Sa local ay ilang beses siyang tumanggap mula sa FAMAS (5), Film Academy of the Philippines (4), Gawad Urian (6), Star Awards for Movies (7), Young Critics Circle (5), Metro Manila Film Festival (8). Si Nora rin ang natatanging Filipino actress na manalo ng international awards mula sa five different continents: 19th Cairo International Film Festival in 1995 (Africa); 1st East Asia Film and Television Award in 1997; Asian Film Awards in 2013 and 3rd Sakhalin International Film Festival (Asia); 31st Festival International du Film Indépendant de Bruxelles in 2004; Premio Della Critica Indipendiente in 2013 and St. Tropez International Film festival in 2015 (Europe); Asia Pacific Screen Award in 2013 (Australia) and the Green Planet Movie Award (North America).Sa entablado, pinarangalan siya ng Aliw Awards, PETA, at PUP Teatro Batangas para sa stage adaptation ng Minsa’y Isang Gamu-Gamo at DH.Bilang isang singer naman, tumanggap ng recognition si Ate Guy mula sa Awit Awards, Katha Awards, OPM, Phil. Recording Distribution Association at Star Awards for Music. Ang single niya na “Pearly Shells” noong 1971 ang isa sa best-selling singles ng bansa na umabot ng 1 million units. Ang iba pang parangal ay mula sa iba’t ibang academe at government and civic organizations. Samantala, ngayon araw (April 22) magaganap ang state funeral para kay Nora na na hinirang bilang National Artist for Film and Broadcast Arts at ihihimlay siya sa Libingan ng mga Bayani. ***DEDICATED sa kanyang Lola Basing ang pagpanalo ni Alexie Brooks bilang Miss Eco International 2025 sa Alexandria, Egypt.Pinost ng Ilongga beauty queen sa social media ang happy photo nila ng kanyang Lola Basing habang basa background ang TV kunsaan suot na niya ang korona.Lola! I made it, caption ni Alexie.Noong September 2024 pumanaw ang Lola Basing ni Alexie. Ito ang nag-alaga sa kanya noong magtrabaho sa Lebanon ang kanyang ina. Nag-birthday nga raw ito ng kaarawan last April 16.Nanalo rin si Alexie sa National Costume competition with her Philippine Eagle-inspired costume designed by Tata Pinuela.Si Alexie ang third Miss Eco International ng Pilipinas after nila Cynthia Thomalla in 2018 and Kathleen Paton in 2022.***NI-REVEAL ni Vogue Editor-in-Chief Anna Wintour ang theme of this year’s Met Gala na Superfine: Tailoring Black Style. Ang co-chair ni Wintour this year ay sina Colman Domingo, Lewis Hamilton, A$AP Rocky and Pharrell Williams. Si LeBron James ang napiling honorary chair.Ang host committee ay binubuo nila André 3000, Chimamanda Ngozi Adichie, Jordan Casteel, Dapper Dan, rapper Doechii, The Bear’s Ayo Edebiri, former editor-in-chief of British Vogue Edward Enninful, and playwrights Jeremy O. Harris and Branden Jacobs-Jenkins.Ginaganap ang Met Gala on May 5 saMetropolitan Museum of Art, Costume Institute. Isa ito sa star-studded event in New York na “invitation-only” sa mga A-list celebrities with a $75,000 price per seat. Para ito sa annual funding, department exhibitions, acquisitions, and capital improvements ng Met Costume Institute. (RUEL J. MENDOZA)