LTO-NCR ikinasa ang ‘Oplan Isnabero’ vs taxi drivers
- Published on April 25, 2025
- by @peoplesbalita
SISIMULAN nang ipatupad ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang “Oplan Isnabero” ngayong linggo, April 20 laban sa mga pasaway na taxi drivers na tatangging maihatid sa kanilang destinasyon ang mga pasaherong babalik sa Maynila makaraan ang mahabang bakasyon.nnPartikular na nakakalat ang LTO operatives sa pangunahing transport terminals sa Metro Manila upang matiyak ang maayos na pagbabalik ng mga pasahero.nnPinayuhan ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III ang mga taxi drivers na tupdin ang kanilang responsibilidad at huwag mang-isnab ng mga commuters.nnSa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01, ang pagtanggi sa pagsasakay ng pasahero ay may multang mula PHP 5,000 hanggang PHP 15,000 at maaaring mapawalang bisa ang Certificate of Public Conveyance (CPC) ng taxi.