• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos admin triniple suplay ng P29/kilo ng bigas sa Kadiwa

TATLONG beses na dinoble ng pamahalaan ang suplay ng bigas na P29 kada kilo para sa mahihirap at vulnerable na mga pamilya sa mga Kadiwa stores. Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagtaas ng alokasyon mula 10 kilo tungo sa 30 kilo kada buwan. Pinalawak din ng DA ang saklaw sa pamamagitan ng mas maraming tindahang Kadiwa. Noong nakaraang taon, inilunsad ang trial program para sa 6.9 million vulnerable households. Mula sa Metro Manila at Bulacan, pinalawak ito sa iba pang outlets. Ang P29/kilo na bigas ay mula sa hindi bagong stock ng NFA at ibinibenta sa kwalipikadong benepisyaryo tulad ng 4Ps, solo parent, senior citizen, PWDs, at katutubo. Kasabay nito, sinimulan na rin ang pagbebenta ng P33/kilo na bigas sa mga resettlement sites. (Daris Jose)