• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:11 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak, nalambat sa Navotas drug bust

SHOOT sa selda ang isang lalaki na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang anti-drug operation ng pulisya sa Navotas City. Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA, nang magpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ng 39-anyos na si alyas “Tulak”. Kaagad dinamba ng mga operatiba ng SDEU ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu sa J. Alonzo St., Brgy. Daanghari, dakong alas-12:30 ng hating gabi. Nasamsam sa suspek na listed bilang street-level individual (SLI) ang 10.99 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P74,732 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at apat na P1,000 boodle money. Ayon kay Col. Cortes, kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng kanyang mga tauhan sa laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang mga operatiba ng Navotas CPS sa kanilang mabilis at epektibong pagtugon. “The Northern Police District will remain relentless in our campaign against illegal drugs. We continue to work closely with other law enforcement agencies and the community to secure a safer and drug-free environment for all,” ani Gen. Ligan. (Richard Mesa)

https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/ChatGPT-Image-Apr-17-2025-04_41_18-PM.png