• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:52 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wanted sa statutory rape sa Valenzuela, nakorner sa selda

MULING inaresto ng pulisya ang isang lalaki sa loob ng selda nang mabisto na nakabinbin itong arrest warrant sa kasong statutory rape sa Valenzuela City. Sa ulat, nadakip ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang akusado na si alyas “Panot”49, construction worker ng Brigida Street, Brgy., Karuhatan sa hindi nalaman na kaso, Nang tignan kung may criminal record ito, nadiskubre ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na nakatala ang akusado bilang Most Wanted Person sa lungsod para sa kasong Statutory Rape. Dakong alas-4:30 ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ni Col. Cayaban sa akusado sa loob ng Custodial Facility Unit ng VCPS ang warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape na inisyu ng Regional Trial Court Branch 172, Valenzuela City. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nanatiling nakapiit sa naturang custodial facility unit habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. Pinuri ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang Valenzuela City Police sa kanilang mabilis at coordinated action kung saan binigyang-diin niya ang pangako ng NPD na itaguyod ang hustisya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa CAMANAVA area. (Richard Mesa)

null