Pekeng mga Pinoy, ginagamit upang makapagtayo ng negosyo sa Mindanao
- Published on March 27, 2025
- by @peoplesbalita
IBINUNYAG ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao ang isang sindikato kung saan mga pekeng pangalan ng Filipino ang ginagamit upang makapagtayo ng negosyo at nangunguha ng dayuhang empleyado.
Isa isa mga inaresto ay kinilalang si alyas Didit, 50, isang Chinese national sa Digos City, Davao Del Sur na may negosyong hardware na nakarehistro sa isang Filipino na kasalukuyan ngayon iniibestigahan.
Ayon kay BI intelligence division deputy chief for Administration & Operations – Mindanao, Melody Penelope Gonzales, tumulong sa pagkakaaresto kay Pan ang mga operatiba ng Philippine Army’s 39th Infantry Battalion, 1002nd Brigade, 10th Infantry Division, Philippine National Police, at ang government intelligence operatives sa Region 11 dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws.
Base sa datos, si Pan ay may work visa na isniyu ng isang kumpanya sa Pasig subalit nalaman siyang nagtratrabaho sa Davao Del Sur.
Nalaman din mula sa mga Pinoy na empleyado sa hardware na peke lamang ang pangalan ng isang Filipino na nagmamay-ari sa nasabing tindahan.
Samantala, apat pang Chinese national ang inaresto na kinilalang sina Zhongyi Tang, 62; Tianpei Wu, 51; Dezhen Liu, 62; at Wang Lianxu, 53 sa tulong ng intelligence agencies sa Region 12, National Bureau of Investigation Region 12, Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 at mga opisyal ng Mlang Municipal Police Station (MPS).
Ang apat ay sinasabing nagtatrabaho sa isang chemical manufacturing plant sa North Cotabato.
Nabatid na nagpakilalang Filipino umano si Liu at nakakuha ng pekeng birth certificate habang ang kumpanya ay naka-rehistro sa isang Pinay na ni minsan ay hindi ito nakita sa kumpanya simula noong itnayo at ang sinasabing may-ari ay isang Chinese
“These documents and new identities may be used by foreigners with mal-intent, and could be exploited by possible spies embedding themselves in society by pretending to be Filipinos,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado. (Gene Adsuara)