Mga accomplishment ni Cong. Arjo Atayde, inilatag sa kanyang State of the District Address
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita
NAGDAOS ng kanyang State of the District Address si Quezon City 1st. District Representative Juan Carlos “Arjo” C. Atayde nitong lunes Marso 24, 2025 sa SM North Edsa Sky Dome sa Quezon City.
Makailang beses napaluha ang mambabatas ng dahil sa mataas na emosyon na dala naman ng labis na kagalakan at pasasalamat sa kanyang mga nasasakupan.
Sa kanyang ulat, inilahad ni Atayde ang mga accomplishment ng kanyang tanggapan sa usapin ng kalusugan, kaunlaran, palakasan at edukasyon.
Maging ang mga proyektong pang imprastraktura upang mabawasan, kung di man mawala ang pagbaha sa distrito uno lalo pa sa panahon ng tag-ulan. Inilatag na rin ni Atayde ang mga proyektong gumugulong na ngayong 2025.
Dumalo sa nasabing ulat sa distrito bilang panauhing pandangal si ACT-CIS Representative Erwin Tulfo upang ipakita ang suporta kay Atayde.
Pinasalamatan din ni Atayde ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sampu ng mga konsehal sa distrito uno.
Sa pagwawakas ng kanyang talumpati, hinikayat ni Atayde ang kanyang mga constituents na samahan syang muli sa paglilingkod sa distrito uno upang maipagpatuloy pa ang mga magagandang proyekto sa kanyang mga nasasakupan. Sabi pa nya, “samahan nyo po ako sa round 2!” (PAUL JOHN REYES)