• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:55 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direct flights sa POGO related crimes, ipapatupad ng BI

TULUYAN ng ipagbabawal  ng Bureau of Immigration (BI) sa mga deportation flights na may kaugnayan sa POGO related crimes na mag – layovers ang  mga puganteng dayuhan.

Nakasaad sa BI Board of Commissioners Resolution No. 2025-002 na may petsang March 21, 2025, na lahat ng mga dayuhan na ipapa-deport na may kaugnayan sa POGO ay ilalagay sa direct flights sa kanilang bansa maliban kung walang direktang ruta mula sa PIliinas.

“This is unchartered territory since we started mass deportations  and arrests this year in compliance with President Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos’ declaration of a POGO ban,” ayon kay BI Commissioner Joel  Viado.

 “The discussions during senate hearings allowed us to hear other perspective that we have included in our discussions.  This is a firm step in strengthening our deportation procedures.  Removing direct flights for POGO-related foreign nationals would lower opportunities of them expanding their operations in other countries in the Asian region,” dagdag pa nito.

Ang hakbang na ito ay bunsod sa pagsusulong nina Senators Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian nang mas mahigit na panuntunan sa mga high-profile criminals para manitpulahin ang deportation protocols.

Pinasalamatan naman ni Viado ang mga mambabatas na tumulong sa  pagsulong ng repormang ito kaya nakipag-koordinasyon na rin sila sa Department of Justice (DOJ) at sa mga airlines at dayuhang embahada na ipatupad ang nabanggit na direktiba.

“Pinapakita ng polisiyang ito na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo ng transnational crimes at pagpapalakas ng seguridad ng ating bansa. Hindi natin papayagan ang mga dayuhang kriminal na samantalahin ang ating sistema. Ang ating mensahe ay malinaw—kung ikaw ay lumabag sa batas, sisiguraduhin namin na tuluyan kang mapapalabas ng Pilipinas nang walang pagkakataong mapalawak ang inyong sindikato,” ayon pa kay Viado. (Gene Adsuara)