Nawala na ang gana kahit may nag-iimbita pa rin: GABBY, minsan nang nangarap na maging mayor pero ‘di pinalad
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita

Never say die pa ang drama ng ilang taga-showbiz. Kumbaga kahit makailang beses na natalo ay hindi mapigilan ang mga ito sa pagtakbo tuwing eleksiyon.
Pero iba naman ang isang Gabby Concepcion na minsan nang pinangarap ng aktor na pasukin ang mundo ng pulitika. Matatandaang noong 1988 ay kumandidato sa pagka-mayor ng San Juan si Gabby pero hindi pinalad ang aktor.
“Politics was actually a dream once upon a time. Pero hindi ko tinuloy because I didn’t find the urge. Many are still inviting me to run.
“But politics is very sensitive. Mas gusto ko ang tahimik na buhay,” lahad pa ng aktor.
Animnapung taong gulang na ngayon ang aktor.
Dagdag pa ng ama ni KC Concepcion na hindi niya kailan man naranasan ang tinatawag na mid-life crisis, “I want to experience that because I don’t know what that feels. Somebody needs to explain to me what mid-life crisis is in a nutshell. I take things lightly.
“I always remember what my father told me, ‘Nandiyan ka na lang din, galingan mo na.’ I am not always successful but I try.”
Ayon pa rin kay Gabby ay ginagawa raw niya at talagang sinisikap niya ang anumang kaya niyang gawin para kayanin ang lahat ng mga hamon sa buhay.
“Anything can happen to me. I can talk about all the good things about health but there is always something that can happen, life is short. We need to do the best while we have the time. We don’t have to regret one day and tell ourselves, ‘I should have done this.’
“And if you will love somebody, loving is a part of life. We need to feel that. If something happens, that’s all part of the cycle. You have to enjoy the moment. Be happy, always be happy,” seryosong pagkukuwento pa ni Gabby.
***
SPEAKING of politics, puring-puri naman kami sa 3rd nominee ng A-Teachers partylist na soon to be congresswoman na si Virginia (Virgie) Rodriguez.
Maam Virgie started out as a news reporter until becoming a philantropist who has several advocacies.
Isa sa adbokasiya niya ay para sa batang kulang sa timbang .. Nais niyang magkaroon ng tuloy tuloy na “feeding program nang sa ganun ay walang kabataang pinoy ang magugutom.
Ang A-Teacher na kung saan ang first nominee ay si Cong. Juliet na nagsulong nG K-12 para maiangat ang antas ng kaalaman ng mga kabataang mag-aaral.
Ang second nominee naman ay si Cong. Ed na bihasa naman sa fishery.
Si Cong. Virgie naman ay para sa agriculture na nag-aral pa sa abroad para sa sinasabi niyang organic feltizer na kung saan malaki raw ang maitulong para maipababa ang presyo ng pagkain.
Samantala dahil sa mga advocacy ni Cong. Virgie, kaya isa sa binigyan ng parangal si sa 38th Star Awards for TV.
(JIMI C. ESCALA)