• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 9:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, tinintahan ang kasunduan laban sa fake news; tests app, made-detect  ang deepfake sa loob ng 30 segundo

SANIB-PUWERSA  na ngayon ang Presidential Communications Office (PCO) at Cybercrime Investigation Coordinating Center (CICC) laban sa fake news at scam activities.

Ito’y matapos na lagdaan ng PCO at CICC ang  memorandum of agreement na naglalayong paigtingin ang pakikipaglaban ng gobyerno laban sa pekeng balita at scam activities.

Sa ilalim ng MOA, kapwa nagkasundo ang PCO at CICC na kilalanin ang  Inter-Agency Response Center (I-ARC) Hotline 1326  bilang  national anti-scam hotline at i-promote ang eGOVPH application’s e-Report function para sa scam reporting.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na mayroon ding pagtutulungan para sa  anti-scam at deepfake education campaigns,  idagdag pa na ang mahahalagang balita ay isasama sa eGOVPH.

“Sa ganitong paraan ay matutulungan ang mga Pilipino na maiwasan ma-scam at malabanan ang paglipana ng fake news,” ang sinabi ni Castro.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos na magtatatag ng national task force at isang  artificial intelligence (AI) application  na gagamitin para paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa  misinformation at disinformation,  lalo na sa gitna ng tumataas na  deepfakes.

 Sinabi pa ni Ramos na ang National Deepfake Task Force  ay pangungunahan ng PCO,  habang ang AI tool ay gagamitin ng libre para ipatigil ang  paglaganap ng deepfake contents.

Ani Ramos, P2 million ang ilalaan para sa “regionalized” software na bibilhin mula sa isang foreign developer.

Nito lamang mga nakaraang linggo, may 200 deepfake cases  ang isinumbong sa  CICC.

“Masyadong bastardized na ang ating social media  and we have to address it. And this is one of the concrete actions we’re taking,” ani Ramos.

“We would also want to have the support of the civil society initiatives by empowering civil society organizations working on media literacy, fact-checking and combating disinformation. Last month, we tested our tool that will be distribute to the stakeholders. Ito ho ay isang tool na within 30 seconds puwede ninyo na ma-identify ang deepfake content,” aniya pa rin.

Ani Ramos, isinasagawa na ang accreditation process para sa paggamit ng anti-deepfake application, idagdag pa na magkakaroon din aniya ng pagsasanay sa kung paano gamitin ang tool.

“It’s an application that we are giving out to accredited partners. Ano ho ‘to, wala ho tayong pinipili, that’s why we target independent fact-checkers. Hindi ho gobyerno ang magsasabi, iyong community mismo magsasabi,” ang winika ni Ramos. (Daris Jose)