ADVANCE PASSENGER INFORMATION SYSTEM, INILUNSAD NG BI
- Published on March 22, 2025
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Bureau of Immigration (BI) ang isang makabagong border security, ang Advance Passenger Information System (APIS).
Ang APIS na kinikilala sa buong mundo na pinapayagan ang mga awtoridad na nagsagawa ng advance screening ng mga pasahero bago ang kanilang pagdating na makakatulong sa risk assesment at streamline immigration procedures.
Ang United Nations (UN) Office of Counter-Terrorism ang nag-sponsor sa the UN API goTravel software na ginamit sa nasabing proyekto.
“This system allows us to screen passengers in advance, improving risk assessment and expediting the processing of legitimate travelers,” ayon APIS Operation Center Chief and Deputy Spokesperson Melvin Mabulac.
At bilang bahagi sa unang implementasyon, sinimulan ito ng Cebu Pacific na siyang unang carrier na nag-integrate ang sistema ng APIS, at susunod ang Philippine Airlines at mga iba pang mga bilang bahagi ng trials at napatunayan na nakakatulong ito sa trend analyst at passenger risk assessment.
Ang BI ay nagsagawa rin ng matagumpay na connectivity test sa Interpol 24/7 data base at magpapatuloy ito kasama ang airline representatives, at ang United Nations Office of Counter-Terrorism (UNOCT) upang masiguro ang seamless integration at operational efficiency.
“This initiative marks a significant milestone in our ongoing efforts to modernize immigration processes,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado. “With APIS, we are not only strengthening security but also ensuring a more efficient and hassle-free experience for travelers.” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Viado ang paglulunsad ng APIS ay nakahanay sa Bagong Immigration vision ng ahensiya. (Gene Adsuara).