3 PATAY SA SUNOG SA MAYNILA
- Published on March 22, 2025
- by @peoplesbalita
TATLO ang naiulat na kumpirmadong patay sa sunog sa residential area sa Tondo,Maynila Huwebes ng hapon.
Sa imporamsyon mula sa Bureau of Fire Protection(BFP), dalawang senior na mag-asawa at kanilang anak ang na-trap sa loob ng kanilang bahay matapos na hindi na makalabas dahil na rin sa katandaan at hirap nang lumakad.
Bandang ala-1:22 kamakalawa ng hapon nang magimula ang sunog sa dalawang palapag na residential structure sa R. A.Reyes St., sakop ng Barangay 58, Zone 5 Tondo.
Inakyat sa ikalawang alarma ang sunog at idineklrang fire out alas 2:41 ng hapon.
Ang mag-asawang biktima ay nasa edad 70 at 78 habang 45 anyos naman ang kanilang anak.
Samantala, sugatan naman ang tatlong fire volunteer at isang civilian .
Nasa 18 pamilya ang apektado sa sunog o 54 indibidwal ang nawalan ng bahay habang umaabot sa P800 libong piso ang pinsala sa sunog na nagsimula sa bahay ni Loreta Flores. (Gene Adsuara)