• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:53 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU, DTI tinuruan ang market violators  

NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang Department of Trade and Industry ng dayalogo sa mga tindero at market violators para maturuan ang mga lumalabag sa pamilihan tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga regulasyong namamahala sa mga timbangan at panukat sa mga wet market.

          Binibigyan-diin nito ang kahalagahan ng lahat ng mga transaksyon sa pamilihan ay dapat patas at malinaw, na kapwa pakikinabangan ng mga mamimili at nagtitinda.

Ipinaliwanag ni Councilor Ghogo Deato Lee na ang mga vendor o establisyimento na makikitang gumagamit ng tampered o non-compliant weighing device o lalabag sa New Market Code Ordinance ng Valenzuela City ay papatawan ng mula ₱5,000 hanggang ₱15,000.

Samantala, binigyang-diin ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau na si Mr. Joel Buag ang mga patakaran at batas na may kaugnayan sa proteksyon ng consumer at fair trade practices, partikular ang Timbangan ng Bayan o ang Republic Act 11706 na inakda ni Mayor WES sa kanyang termino bilang Congressman.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Mayor Wes ang mga nagtitinda sa palengke na sundin ang nasabing pambansang batas,

“Ipinaglaban ko po iyan (Timbangan ng Bayan) hindi lang para sa Valenzuela kundi para sa buong Pilipinas…. Sana po, bilang dito po ako nanunungkulan at nakatira (sa Valenzuela) sana dito natin maging example na maganda sa Valenzuela,“ pahayag niya,

Nasa 74 non-compliant weighing scale ang nakumpiska sa isinagawang Operation Timbangan na isinagawa ng City Treasurer’s Office, LEDIPO, Consumer Welfare Unit noong Marso 17-18 sa iba’t ibang palengke sa lungsod.

Bukod dito, nagsagawa rin ng sorpresang inspeksyon si Mayor Wes sa Marulas Public Market at sinuri kung ang mga retailer ng bigas ay sumusunod sa Administrative Circular No. 05, Series of 2025 ng Department of Agriculture, na nagtatakda ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) para sa imported na bigas (5% broken) sa ₱49.

Bilang suporta sa pambansang direktiba, ang pamahalaang lungsod ay sisimulang magbenta ng NFA rice sa maximum na 10 kilo bawat consumer simula sa susunod na lingo sa mga piling 3S Centers sa Valenzuela. (Richard Mesa)