Pabuya sa makakapagturo sa salarin, bigay ng mambabatas sa brutal na pagpaslang sa dayuhan
- Published on March 19, 2025
- by @peoplesbalita

Boracay, Aklan.
Ang pabuya ay mula sa tanggapan ni Aklan Rep. Teodorico Haresco, Jr. kaugnay sa brutal na pagpaslang sa isang Slovakian tourist sa Boracay.
Sa pakikipagpulong ng mambabatas sa pulisya, nabatid nito na dalawa ang tinukoy na persons of interest at may isa pa ang iniimbestigahang suspek sa krimen.
Hinihintay na lamang nila ang official Scene of the Crime Operatives (SOCO) report, kabilang na ang resulta ng DNA mula sa nakolektang ebidensiya mula sa crime scene.
“This is a devastating blow to our tourism industry. We must act swiftly and decisively to address this issue and restore public trust. We need to reassure tourists that Boracay is a safe place. We will do everything in our power together with our local officials in Boracay and Malay and national agencies concerned to prevent such incidents from happening again,” anang Kongresista.
Nagbigay ng hindi magandang reputasyon ang insidente sa pagiging ligtas at magandang destinasyon ang Boracay.
Nagpahayag naman ng dedikasyon ang mambabatas sa agarang aksyon at pagbabalik ng kumpiyansa ng publiko sa Boracay na isang maganda at maayos na destinasyon para sa mga bisita.(Vina de Guzman)