• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 2:55 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Answered prayer dahil matagal nang walang regular work: JOHN, nagbabalik sa pag-arte sa entablado na first love niya

NAGBABALIK si John “Sweet” Lapus sa pag-arte sa entablado after 15 years via ‘Delia D.: A Musical Featuring The Songs of Jonathan Manalo.
First love ni Sweet ang teatro dahil dito raw niya nadiskubre ang talento niya sa pagganap sa iba’t ibang roles na naging daan para magkaroon siya ng career sa pelikula at telebisyon.
“Answered prayer ito. Mag-isang taon na ako na walang regular work. Then one time, we had a meeting with Jonathan Manalo for ‘Here Comes The Bride: The Musical.’ 
“Nabanggit niya na gagawa nga raw ang Newport Performing Arts Theater ng original musical featuring his songs. Sabi pa niya baka may role sa akin kasi “baklaan” ang theme. Then bigla na lang ako nakatanggap ng invitation to audition. Ayun na!“
Dahil nasanay sa straight drama at comedy plays, first time ni Sweet ang paglabas sa musical theater, kaya big effort daw sa part niya ang kumanta at sumayaw.
Gagampanan ni Sweet ang role na Mama Eme sa Delia D.  Siya ang may-ari ng drag bar kunsaan nagpe-perform si Delia D., played by Phi Palmos.
Kabilang si Sweet sa mga celebrities na nagbabalik sa teatro tulad nila Lea Salonga, Eugene Domingo, Nikki Valdez, Sam Concepcion at Pinky Amador. May mga baguhan din na sumusubok tulad ni Martin del Rosario.
“Ang subukan ng isang artista ang lumabas sa entablado ay para na rin sa experience. Nakaka-enhance ng self- confidence ang teatro. Napaka-worth it. At iba ang discipline sa teatro,” sey ni Sweet na miyembro ng Teatro Tomasino noong college days niya sa UST.
Delia D. opens on April 25 and runs until June 8 at the Newport Performing Arts Theater.
***
BLESSED ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio dahil sa character niya iikot ang kuwento ng bagong murder-mystery series na SLAY.
Isang blessing para sa aktor ang bagong proyekto dahil hand-picked pala siya ng GMA at Viu Original para sa role na Zach, isang fitness influencer na misteryosong nasunog at namatay habang live ito sa social media.
“I worked hard. Inaral ko talaga ‘yung role ko and kinausap ko talaga silang lahat. Hinanap ko talaga ‘yung similarities and differences ko with other characters. Mayroon siyang baggage na kine-carry. And, sobrang creepy kung ano ‘yung backstory niya,” sey ni Derrick na ang matuturong may kinalaman sa krimen ay apat na babaeng naugnay sa kanya played by Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega and Julie Anne San Jose.
Kakagaling lang ni Derrick sa bakasyon nito sa Europe kasama ang girlfriend niya, ang Sparkle actress na si Elle Villanueva na huli niyang nakatrabaho sa teleserye na ‘Makilling.’
***
NILABAS ng Forbes Magazine ang list ng Top 10 highest-paid actors in Hollywood.
Base ito sa mga naging projects nila on film, be it on the big screen or streaming platform, endorsements, social media presence, business etc.
Nanguna sa list ay si Dwayne “The Rock” Johnson na may net earning na $88 million nung 2024 dahil sa holiday movie na ‘The Red One.’
Pangalawa si Ryan Reynolds with $85 million dahil sa hit Marvel film na ‘Deadpool’ & ‘Wolverine.’
Pangatlo si Kevin Hart with $81 million dahil sa kanyang comedy tour na ‘Acting My Age.
Pang-apat si Jerry Seinfeld with $60 million dahil sa comeback film niya na ‘Unfrosted.’
At pang-lima si Hugh Jackman with $50 million para sa ‘Deadpool’ & ‘Wolverine’ film.
Ang iba pang pasok sa top 10 ay sina Brad Pitt ($32 million), George Clooney ($31 million), Nicole Kidman ($31 million), Adam Sandler ($26 million) and Will Smith ($26 million).
(RUEL J. MENDOZA)