Discaya tumaas trust rating
- Published on March 15, 2025
- by Peoples Balita
MULING nagkaroon ng pagtaas sa trust rating si Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya sa nakalipas na linggo kung saan karamihan sa mga sumagot sa survey ay naghahangad ng pagbabago sa liderato sa lungsod.
Sa resulta ng independent survey ng Pulso ng Lipunan, si Discaya ay nakakuha ng 44 percent suporta mula sa mga rehistradong botante, habang 46 percent si incumbent Mayor Vico Sotto na nakakuha ng 46 percent. Ayon sa mga taga-Pasig, may kakayahan si Discaya na mapabuti ang serbisyo sa lungsod dahil sa pagiging makatao at karanasan sa public service.
Sa isa pang independent poll survey, tumaas din ng 3% ang rating ni Discaya at nakapagtala ito ng 46%, mas mataas sa 43% ni Sotto.
Ayon sa parehong survey, ang pagtaas ng rating ni Discaya ay bunsod ng kanyang pagsusulong na matulungan ang mga underprivileged, pagkakaloob ng libreng gamutan, pangakong magpatayo ng mga bagong silid-aralan, magbigay ng libreng textbooks sa mga mag-aaral, at magpatayo ng modern hospitals para sa mahihirap na pamilya.
Ang pinakabagong independent survey ay ginawa noong March 4-8 kung saan nakakuha si Discaya ng 46% satisfaction rating habang ang trust ay 46.5 percent.
Lumitaw sa survey na karamihan sa suporta para kay Discaya ay mula sa mga mahihirap na komunidad at ordinaryong residente ng Pasig. (Daris Jose)