• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 10:37 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matagumpay at maningning ang launching: BODIES NEXT GEN, ni-revive ang hit song na “Kiliti”

SA lahat ng launching sa artista o singer ang BODIES NEXT GEN ng Premiere Water Plus Productions ang masasabi naming pinaka-bongga at makulay.
At kitang-kita na ginastusan at pinaghandaan talaga ni Madam Marynette Gamboa at ng anak na si Direk Gary Gamboa at ng kanyang team ang naturang event.
Imagine, napagsama ni Madam Marynette, ang love naming friend movie producer ang original na all-female sexy group na D’ BODIES, na sobrang controversial noong early 2000 at ang bagong tuklas nilang BODIES NEXT GEN, na binubuo ng 13 pretty, sexy and talented girls.
In all fairness wala pa ring kupas ang original na D’ BODIES na kahit dalawang dekada na ang nakalipas, kahit mommies na ang mga miyembro nito ay beauty at sexy at mahuhusay pa ring mag-perform.
Kinanta at sinayaw ng mga ito ang kanilang signature hit song na “Kiliti.” Binigyan ito ng bagong areglo para sa BODIES NEXT GEN, na hinaluan pa ng rap na magiging akma para sa GEN Z o young generations.
Napa-wow kami sa sobrang paghanga sa ginanap na launching sa Great Eastern Hotel last March 8.
Yes, ang bongga ng backdrop na ginamit sa event na gawa rin ng director noong gabing yun na si Direk Gary.
At nagandahan rin kami sa black outfits ng grupo, na designed ni Madam Marynette at gawa naman ni Ms. Gay Philippines of 80’s na si Ian Valdez na kilala na ring Couturier.
Ang BODIES NEXT GEN, ay binubuo nina: Bodi Wendy, Bodi Chanel, Bodi Amara, Bodi Iris, Bodi KZ, Bodi Mycky, Bodi Selina, Bodi Jade, Bodi Darrah, Bodi Kesha, Bodi Sherie, Bodi Dior, at Bodi Tia. Majority sa kanila ay estudyante na pare-parehong pangarap na sumikat sa showbiz, para makatulong sa kanilang pamilya.
Well, ngayon pa lang ay naikuha na sila ng endorsement ng manager nilang si Madam Marynette.
Ang grupo ang endorser ng Shimmer & Grow Body Slimming Lotion ng Bodies Skin and Beauty.
Malapit na kanilang ang contract signing. Naging gabi rin pala ng mga veteran sexy stars ang naturang launching.
At present din si Ogie Diaz at ang executive ng NETFLIX Etc. Nag-perform din si John Arcenas at kinantahan nito ang mga miyembro ng BODIES NEXT GEN.
(PETER S.LEDESMA)