• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:47 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, magtatrabaho nang husto para palakasin ang FDIs- Malakanyang

PAG-IIBAYUHIN ng administrasyon ang pagsisikap nito na palakasin ang foreign direct investments (FDIs) sa bansa, matapos kapusin ang Pilipinas ng USD9-billion target para sa 2024.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na susubukan ng gobyerno na idetermina kung bakit ang FDI net inflows ay halos hindi nagbago mula USD8.925 billion na naitala noong 2023 sa USD8.93 billion noong 2024.

“Aalamin po natin iyan at kung meron pong pagkukulang ay gagawan po agad ng paraan ng ating mga business experts at ng ating mga head ng agencies para po matugunan kung ano man ang magiging epekto nito,” ang sinabi nito.

Winika pa ni Castro na makailang beses na nagsagawa ng pagpupulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang masiguro na ang foreign investments sa bansa ay mas magi-improve.

 

 

Kabilang sa FDIs ang investment ng non-resident direct investor sa isang resident enterprise, kung saan ang equity capital sa huli ay 10% at ang investment na ginawa naman ng isang non-resident subsidiary o associate sa resident direct investor nito.

Ito ay maaaring sa uri ng ‘equity capital, reinvestment ng earnings, at borrowings.’

Samantala, sa data na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), araw ng Lunes, makikita na ang top sources ng FDIs noong nakaraang taon ay kinabibilangan ng Japan, United Kingdom, Estados Unidos at Singapore.

 

 

“The FDIs were channeled mainly to manufacturing, real estate and information and communication,” ayon sa BSP report.

Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon lamang, ang FDI net inflows ay umabot sa USD110 million.

Sinabi ng BSP na ang Singapore, Japan, Estados Unidos at Korea ang mga ‘top sources ng FDI sa nasabing buwan. (Daris Jose)