WRIT OF HABEAS CORPUZ, INIHAIN NG KAMPO NI DUTERTE
- Published on March 13, 2025
- by Peoples Balita
NAGHAIN ang kampo ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ng petition for writ of habeas corpus sa Supreme Court ,Miyerkules ng umaga kaugnay sa iligal na pag-aresto at pagdetine sa kanya Marso 11.
Sa pamamagitan ni dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo at kanyang anak na abogado na si Atty. Salvador Panelo Jr hiniling sa Kataas-taasang Hukuman ng petitioner at anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang gobyerno na gumawa ng paraan upang agarang ibalik sa bansa ang kanyang ama.
Sinabi ni Atty. Panelo Jr na ang batayan ng habeas corpus ang pagdetine kay Duterte ng walang basehan o illegal detention .
Paliwanag ng mga abogado , hindi pwedeng batayan ng pag-aresto at pagdetine sa dating pangulo ang International Criminal Court (ICC) warrant of arrest dahil walang hurisdiksyon ng ICC sa ating bansa.
Sinabi pa ng legal counsel na hindi pwedeng mag-exercise ng hurisdiksyon ang ICC dahil maayos namang tumatakbo ang national legal system ng Pilipinas .
Sa kanilang petisyon, binanggit din ng kampo ni Duterte ang pahayag mismo ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC na wala itong hurisdikyon dahil namamayagpag ang system sa Pilipinas.
Giit ng legal counsel ng Duterte, batay sa kanilang pag-aaral ay walang basehan ang warrant of arrest ng ICC.
Umaasa naman ang mga legal counsel ni Duterte na hindi pa huli ang lahat kaya umaasa rin silang agarang mag-intervene ang Korte Suprema.
Kabilang sa mga respondents sa petisyon sina Executie Secretary Lucas P.bersamin, Secretary Jesus Crispin C.remulla, Police General Rommel Francisco D. Marbil at Nicolas D.Torre III. (Gene Adsuara)