• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:11 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Most wanted person, nadakma ng Valenzuela police

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki na wanted sa tatlong bilang na kaso ng qualified theft matapos maaresto sa manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa patuloy na pinaigting na kampanya ng pulisya kontra wanted persons, ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang pagtugis kay alyas “Vincent”, 32, na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod.

Dakong alas-10:35 ng umaga nang matiyumpuhan ng pinasanib na mga tauhan mula sa Warrant and Subpoena Section, Police Sub-Stations 2, 3, 4 at 9 ng Valenzuela police ang akusado sa C.F Natividad St., Barangay Mapulang Lupa.

Maayos naman naisilbi sa akusado ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng Regional Trial Court Branch 285, Valenzuela City noong March 7, 2025 para sa kasong Qualified Theft (RPC Art. 310) (3 counts) na may inirekomendang piyansa na P120,000.00 for each count.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Pinuri ni Col. Cayaban ang pagtutulungan ng mga team na nagpapatupad ng batas. “This arrest demonstrates our commitment to ensuring justice for all and maintaining peace and order in our community,” pahayag niya. (Richard Mesa)