• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga piitan sa bansa naka-heightened alert vs heat index

NAKA-heightened alert ang Bureau of Jail ­Management and Penology (BJMP) laban sa nararanasang init  ng panahon ng mga Person Deprived of Liberty (PDLs).
Ayon kay BJMP Director Ruel Rivera, may nakaantabay 24/7 na mga nurse sa lahat ng piitan sa buong bansa upang masiguro na agad na mabibigyan ng responde ang sinumang PDL na makararanas ng sakit dulot ng matinding init.
Sinabi ni  Rivera na  inatasan na  niya ang lahat ng jail facilities na gawin ang lahat ng paraan at solusyon upang maiwasan ang matinding init sa kanilang mga nasasakupan.
Partikular na tinukoy ni Rivera ang mga  National Capital Region (NCR), kung saan mataas ang heat index at overcrowded ang  mga piitan.
Giit ni Rivera kailangan na tutukan ng mga health personnel ang kalusugan ng mga PDLs ngayong summer kung saan iba’t ibang sakit din ang maaa­ring makuha dahil sa init at siksikan sa kulungan.
Pinaiinspeksiyon din ni Rivera ang mga ventilation, sapat at malinis na supply ng tubig sa mga kulungan na isa sa makatutulong upang  mabigyan ng ginhawa ang mga PDLs. (Daris Jose)