• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FDNY-MOVEMENT, MAKABAYAN GROUP, nagkilos-protesta kontra fake news sa Embahada ng Tsina

NAGSAGAWA ng protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY-Movement) at iba pang makabayang Pilipino sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati upang tutulan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon upang maangkin ang isla ng Palawan.

 

Sa pamumuno ni Dr. Jose Antonio “Ka  Pep” Goitia, first nominee ng ANG BUMBERO NG PILIPINAS (ABP) party list,  ang ginawa nilang protesta ay pagpapakita  ng kanilang pagmamahal sa bayan at makabayang  pagtindig laban sa  agresibong  pagpapalawak ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

“Dapat  nang wakasan ang kalokohang ito. Hindi namin papayagan na   agawin ang aming   mga teritoryo  at mga karapatan sa loob ng  ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas  alinsunod sa United  Nations Convention of the Law  of the Sea (UNCLOS) at maging sa naging desisyon ng Permannet Court of Arbitration sa  The Hague  noong Hulyo 12, 2016 na walang basehan  ang “historical rights na iginigiit ng  Tsina pahayag” ayon kay  Goitia.

 

Hinikayat din ni Goitia na panahon  na upang tumindig  at magkaisa ang mga Piipino dahil ito ay usapin ng bansa at pag-agaw ng  ating sariling lupa at teritoryo.

 

“Ito at lantarang pagyurak at pag-alipusta sa ating mga Pilipino.  Ang pagbaluktot sa katotohanan ay hindi makatuwiran ayon pa kay Goitia.

 

Sinabi ni Goitia na Goitia na Chairman Emeritus din ng koalisyon iba  pang malalaking grupo na kinabibilangan ng  Peoples Alliance for Democracy and Reform (PADER), the Alliance of Filipino Kabalikat sa Demokrasya (ABKD) at Liga ng Independencia ng  Pilipinas ( LIPI ) at ( KAMPIL ) Kalipunan ng Masang Pilipino na   masusundan pa ng mga pagkilos  ang naunang protesta hangga’t  hindi kikilalanin  at irerespeto ng Tsina   ang international marital   laws. (Gene Adsuara)